Senador, nanawagang ibalik ang pagkakaroon ng emergency lay-by para sa mga motorista

Nanawagan si Senador Joseph Victor “JV” Ejercito sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na ibalik na ang pagkakaroon ng mga emergency lay-by na pupwedeng pagsilungan ng mga motorista tuwing umuulan.

Ito ay kaugnay sa sinimulang paghuhuli ng mga MMDA sa mga motorycle riders na mahuhuling nakasilong sa ilalim ng mga tulay, footbriges o MRT matapos maabutan ng ulan.

Ayon kay Ejercito, batid niya ang rason ng pagpapatupad ng nasabing aksyon ngunit naiintindihan din niyang mabigat ang pagmumulta ng P1,000 lalo na sa mga delivery riders.

Samantala, iminungkahi rin ng senador ang pagkakaroon ng education campaign para sa mga riders at pagpapababa ng multa sa P100 o P200 para sa mga mahuhuling lalabag dito.

Kung maalala, nagbukas noong Hulyo 2021 ang MMDA ng emergency lay-by sa baba ng Quezon Avenue Flyover sa EDSA upang pagsilungan ng mga motoristang mauulanan at masisiraan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *