Senador – nanawagang suspendihin muna ang pagtaas ng PhilHealth premium rates

Ibinahagi ni Senate Deputy Majority Leader, JV Ejercito na bilang principal sponsor ng Universal Healthcare Law (UHC) ay batid niyang nanggaling ang 5% contribution rate sa dating pre-pandemic figures.

Kaugnay nito, suportado umano niya ang proposal ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na pansamantala muna itong suspendihin.

Ito ay dahil kagagaling lang din umano ng bansa sa pandemya.

Dagdag pa niya, kung masu-suspend ito ay inaasah niyang maibabalik muna ito sa 3.5 hanggang 4% na premium rates upang makahinga ang lahat.

Alinsunod nito, pinakiusapan ni Ejercito si Pangulong Bongbong Marcos na pansamantala munang suspendihin ang pagtaas ng PhilHealth premium rates habang hinihintay ang pag-amyenda sa UHC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *