Editors Pick

Senador, nilinaw na hindi naman ilegal na bumuo ng panel para sa ‘re-engineering’ ng MIF bill

Binigyang diin ni Sen. Win Gatchalian na hindi ilegal sa parehong kapulungan ng Kongreso na bumuo ng panel para irebisa ang panukala, gaya ng panukalang Maharlika Investment Fund (MIF), kahit tapos na itong maipasa sa ikatlo at huling pagbasa.

Paliwanag ni Gatchalian, na ang legislative process ay working process mula sa Kamara at Senado, o kahit ang House ay may sariling prerogative umano na bumuo ng technical working groups, four-man re-engineering panel, at iba pa.

Dagdag ng senador, na ang naturang body ay binubuo ng mga miyembro ng kapulungan, mga eksperto at resource persons.

Una nang sinabi ni Senior Deputy Minority Leader Paul Daza, na bomoto pabor sa Maharlika Investment Fund (MIF) bill sa Kamara, na unusual para sa panel na ire-engineer ang MIF, matapos itong maaprubahan sa Mababang Kapulungan. Kinuwestiyon din ito ng ilang House members, dahil dapat sana ay nasa Senado na ito para sa deliberasyon.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago