Senador: obligado ang admin na i-regulate ang paggamit ng paputok

Naniniwala si Senadora Imee Marcos na maaring mauwi sa trahedya ang isang selebrasyon tulad ng nalalapit na Bagong Taon kung hindi magiging tama ang paggamit sa mga paputok.

Kaugnay nito, binigyang-diin niyang obligado ang kasalukuyang administrasyon na pagtibayin ang dating nilagdaang Executive Order 28 Series of 2017 ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim nito ay ipinagbabawal ang paggamit ng mga paputok sa mga kabahayan dahil tanging mga community fireworks display na pinangangasiwaan ng mga lisensyadong indibidwal ang pinapayagan lang.

Dagdag pa ni Marcos, marapat lang na ipatupad ito ng gobyerno lalo na’t wala pa ring bagong inilalabas na EO na papalit dito.

Maalala, sa ilalim ng EO ay mariin ding ipinagbabawal ang paggamit ng ilang mga paputok tulad ng Piccolo, Super Lolo, Judas Belt at Watusi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *