Senador – panawagan ang ‘transparency’ kaugnay sa power outage sa Western Visayas

Naniniwala si Senate President Migz Zubiri na hindi magandang senyales ang nangyaring power outage sa Western Visayas lalo na’t kasasalubong pa lang ng bansa sa Bagong Taon.

Ayon kay Zubiri, hindi dapat abala at kahirapan ang hatid ng pamahalaan sa mga mamamayan sa pagpasok ng taon.

Kaugnay nito, nanawagan ang senador sa Department of Energy (DOE) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magpakita ng “transparency” sa pagtukoy kung sino o ano ang naging sanhi ng pagkawala ng kuryente sa naturang lugar.

Hiniling din niya sa mga ito ang agarang pagtugon sa nasabing isyu sa pamamagitan ng paggawa ng comprehensive plan of action.

Maalala, ayon kay DOE Undersecretary Sharon Garin, wala pa silang maibibigay na opisyal na pahayag tungkol dito dahil ang Energy Regulatory Commission (ERC) ang magtatalaga sa mag-imbestiga rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *