Senador, sinabing kailangan ng modifications ng bersyon ng Senado at Kamara sa panukalang MIF

Sinabi ni Sen. Francis Escudero na ang kasalukuyang bersyon ng Senado at Kamara ng panukalang Maharlika Investment Fund ay nangangailangan ng modifications bago maipasa sa senado.

Sa panayam sa Senado , sinabi ni Escudero na kung gagawin ngayon ang botohan sa panukalang batas ay negative vote ang ibibigay niyan rito.

Inumpisahan nang pag-usapan ng Senate panel ang Senate Bill No. 1670 at House Bill No. 6608, mga panukalang naglalayong itatag ang MIF.

Sinabi ni Escudero na maraming butas ang mga panukalang tulad ng pag-oobliga sa Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines na mag-ambag sa pondo.

Idinagdag ng senador na pinag-uusapan na umano ang net earnings ng gobyerno na ibibigay sa social welfare projects na i-invest sa iba’t ibang proyekto ng pamahalaan pero  hindi binanggit kung ano ang matatanggap ng Landbank o DBP bilang kapalit nito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *