Senador, tiniyak na walang magiging diskusyon ng political ammendment sa Senado

Mas pagtutuunan umano ng pansin ng Senado ang nilalaman ng Resolution of Both Houses No. 6 (RBH6) na inihain ni Senate President Migz Zubiri noong Enero.

Kaugnay nito, ayon kay Senador Sonny Angara, titiyakin nilang magiging “focused” at “limited” ang kanilang diskusyon tungkol dito.

Dagdag pa niya, iimbitahan nila ang malawak na sektor ng lipunan at kukunin nila ang iba’t ibang pampulitikang pananaw tungkol dito.

Ngunit sa kabila nito, tiniyak naman ni Angara na walang magiging diskusyon ng political ammendment sa pag-amyenda sa konstitusyon.

Maalala, bumuo na kahapon ng subcommittee ang Senado para sa gagawing pagdinig sa RBH 6 sa darating na linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *