Senador, tiwalang gumagana pa rin ang hustiya sa Pilipinas

Nag-init sa naganap na pagdinig sina Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, Chairperson, Senador Jinggoy Estrada at Senador Raffy Tulfo.

Ito ay matapos paikut-ikutin lang umano sila ng D.M. Consunji Inc. (DMCI) at Land Registration Authority (LRA) tungkol sa usapin sa land dispute.

Noong hanapan kasi ng dalawang senador ang LRA ng kanilang papeles tungkol sa procedure na kanilang ipinaglalaban ay wala itong maipakita at ‘di rin nito masagot nang maayos ang mga katanungan ng mga senador.

Samantala, nagtapos naman ang pagdinig sa pagkansela sa mga titulo ng DMCI.

Kaugnay nito, naniniwala si Tulfo na gumagana pa rin ang justice system sa bansa sapagkat natamo rin sa wakas ng mga manggagawa ang pagkapanalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *