Senador: ‘wag i-hijack ang pagsasagawa ng people’s initiative

Nilinaw ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na handa siyang kwestyunin ang Comission on Elections (COMELEC) tungkol sa pagtanggap nito ng mga pirma mula sa people’s initiative (PI).

Ayon kase kay Pimentel, kung nagkaroon ng bayaran o value exchange sa pagkolekta ng mga pirma ay dapat lang maging ‘invalidated” ang mga ito.

Kaugnay nito, nanawagan ang senador sa publiko na ‘wag i-hijack ang pagsasagawa ng ikatlong moda para sa pag-amyenda ng Charter Change.

Maalala, sa ilalim ng batas, maaring gamitin ang constituent assembly (con-ass), constitutional convention (con-con) at people’s initiative (PI) sa pag-amyenda ng konstitusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *