Senador – wi-nelcome ang pag-apruba na i-ban ang POGO sa bansa

Nanindigan si Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na hindi siya hihinto hanggang sa tuluyang mapatalsik na sa Pilipinas ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ay matapos ang patuloy na pagdami ng kaso ng prostitution, human trafficking, homicide, robbery-extortion at maging grave coercion sa bansa dala ng kanilang operasyon.

Kaugnay nito, suportado umano ni Gatchalian ang pag-apruba ng Mababang Kapulungan na i-ban ang POGO sa bansa.

Ayon sa senador, base rin kase sa inilabas na resulta ng Pulse Asia Research makikitang ‘di pabor ang halos ng mga Pilipino na manatili pa ang mga ito.

Samantala, hinimok ni Gatchalian, ang lahat ng local government unit na mag-issue ng ordinance para i-ban ang mga ito tulad ng ginawa ng Valenzuela at Pasig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *