Senador Win Gatchalian, iginiit na magandang klase ang bigas na kanyang binigay sa mga nasunugang residente

Ipinagdiinan ni Senator Win Gatchalian na ang nasa 341 na sako ng bigas na donasyon ng kanyang opisina ay magandang klase at maayos na ibinigay sa Local Government Unit ng Puerto Princesa City Pebrero 24, 2024.

Taliwas ito sa inirereklamo ng mga residente na di umano’y ang nasa 25kls na bigas na galing di umano sa senador ay hindi mapakinabangan dahil sa kakaiba nitong amoy at panget na kalidad.

Kaugnay nito, pinabulaanan nya na ang kontrobersyal na bigas ay mula sakanya dahil aniya ang bigas na inirereklamo ay nakasako mula sa mula sa mga private rice dealers o retailers habang ang bigay ng kanyang opisina ay mula naman sa National Food Authority.

Gayunpaman, patuloy parin umanong tutulong ang kanyang opisina sa mga nasunugan at nagpaplano narin na mag handog muli ng karagdagang bigas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *