Senadora: maglabas na ng desisyon tungkol sa apela sa PUV consolidation deadline

Nilinaw ni Senate Committee on Public Services, Chairperson, Senadora Grace Poe na kinikila niya ang itinakdang deadline para sa public utility vehicle (PUV).

Ito ay matapos inaununsyo kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos na hindi na niya papalawigin pa ang April 30 na PUV consolidation deadline sa rasong kinakailangan na itong gawin ng bansa.

Sa kabila nito, nais lang umanong malaman ng senadora kung naging produktibo ang tatlong buwan na extension na ibinigay sa mga ito at kung nagkaroon ng makabuluhang dayalogo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mga transport groups.

Kaugnay nito, umaasa rin si Poe na makapaglalabas na ng desisyon ang Korte Suprema sa naging apela ng grupo.

Dagdag pa niya, marapat ding makapag-iisue na ang LTFRB ng mga ruta para sa mga nagpa-consolidate at hindi, upang maiwasang maapektuhan ang mga commuters lalo na ngayong matindi ang init ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *