Senadora, naghain ng resolusyon para himukin ang gobyerno na makipagtulungan sa ICC

Naghain ng resolusyon si Sen. Risa Hontiveros para himukin ng senado ang gobyerno na makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa madugong giyera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng Senate No. 867 nakapaloob dito na hinihiling ng gobyerno na suportahan ang ICC sa imbestigasyon laban sa drug war ng dating administrasyon.

Ang SRN 867 ay kabaliktaran ng resolution No. 492 ni Sen. Jinggoy Estrada at resolution No. 488 nina Senador Robin Padilla at Christopher Go na dumedepensa kay dating Pangulong Duterte sa anumang ICC investigation.

Sinabi ni Sen. Hontiveros nasa chair na ng kumiteng didinig sa resolusyon kung iimbitahan si dating Pangulong Duterte.

Pero paglilinaw ng senadora hindi ang mga kaso at imbidensya ng extrajudicial killing mismo ang tatalakayin ng resolusyon kundi ang pakikipag tulungan ng ehekutibo sa ICC.

Magandang sinyales din daw ang pagsabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinag-aaralan na ang pagbalik ng Pilipinas bilang miyembro ng ICC.

Ngayong araw naman nakatakdang dinggin sa Kamara  ang mga kaparehong resolusyon para sa pakikipagtulungan sa ICC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *