Senadora, nanawagan kay Quiboloy na respetuhin ang subpoena

Binalaan ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Senadora Risa Hontiveros si Pastor Apollo Quiboloy na huwag ismolin ang kakayahan ng Senado.

Ayon kase kay Hontiveros, hindi sila titigil hangga’t hindi nakakamit ng bawat victim-survivors ang katarungan at kapayapaan na para sa mga ito.

Kaugnay nito, nanawagan siya kay Quiboloy na respetuhin ang subpoena na ipinalabas nila para sa kanya bilang pagpapakita ng respeto sa institusyon ng Senado.

Dagdag pa niya, hindi dapat tanggihan ni Quiboloy ang subpoena na i-dedeliver at i-seserve ng Office of the Sergeant-At-Arms dahil mas mabigat at mas mataas na ang antas nito kumpara sa imbitasyon.

Samantala, tiniyak naman niyang laging ‘fair’ o patas ang kanilang isinasagawang pagdinig sa ilalim ng kanilang komite.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *