Senadora, nanawagan ng ng malalimang imbestigasyon tungkol sa mga ‘fake firms’

Naniniwala si Senate Committee on Public Services, Chairperson, Senator Grace Poe na nakita na ng gobyerno kung paano nakaapekto ang mga krimen sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kapayapaan at kaayusan ng bansa.

Kaugnay nito, nanawagan nang agarang imbestigasyon si Poe sa Department of Justice (DOJ) tungkol sa hinihinalang illegal na pag-isyu ng mga employment visas sa mga dayuhang nagtatrabaho sa mga ‘fake firms’.

Dagdag pa ng senadora, marapat lang na maparusahan ang mapatutunayang may sala rito.

Maalala, tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nagsasagawa na sila ng imbestigasyon tungkol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *