Senadora, naniniwalang hindi dapat maapektuhan ng RBH7 ang RBH6 sa Senado

Binigyang-diin ni Senadora Imee Marcos na hindi dapat maapektuhan ng Resolution of Both Houses No. 7 (RBH7) sa Kongreso ang isinagawang deliberasyon at timeline ng RBH 6 sa Senado.

Ito ay matapos pumasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Kongreso ng RBH7 o panukalang economic charter change.

Ayon kay Marcos, tiwala siya na ang pinakaimportanteng mapagtuunang pansin sa isyung ito ay ang pagtatakda ng voting procedure na constituent assembly.

Maalala, una ng idiniin ng Senado na ‘voting separately’ ang gusto nilang mangyari matapos ang naging issue sa people’s initiative.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *