Senadora, tiwalang pipirmahan ni Zubiri ang arrest order kay Quiboloy

Kinumpirma ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Senadora Risa Hontiveros na handa siyang ipaaresto si Pastor Apollo Quiboloy kung hindi nito kikilalanin ang subpoena na ihahain sa kanya.

Una ng sinabi ni Hontiveros na ise-serve pa rin ng Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) sa known address ni Quiboloy ang subpoena galing sa Senado.

Ayon kay Hontiveros, kung sakaling wala pa ring paramdam mula sa panig nito ay ipapa-contempt niya ito at inaasahan niyang pipirmahan ulit ito ni Senate President Migz Zubiri katulad ng pagpirma nito sa subpoena.

Ngunit sa kabila nito ay nilinaw ng senadora na malabong magawa ang pag-aresto sa mismong araw ng pagdinig dahil may ilang proseso pang dadaanan para rito.

Maalala, ayon kay Hontiveros, bukas ang kanilang komite na hinggan ng tulong ang Philippine National Police (PNP) kung sakaling dumating sa puntong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *