Senate Committee, paiimbestigahan ang illegal online gambling

Inamin ni Senate Committee on Games and Amusement, Chairperson, Senador Lito Lapid na nababahala siya dahil sa patuloy na paglaganap ng mga advertisement sa iba’t ibang social media platforms na naghihikayat sa mga users na pumasok sa online gambling.

Ayon kay Lapid, halos ng mga kabataan ngayon ay nakatutok sa iba’t ibang social media platforms tulad ng Facebook, X, Instagram at TikTok kung kaya’t malaki ang tyansang maadik ang mga ito sa online gambling kung walang gagawin ang gobyerno.

Dagdag pa niya, pupwede ring maapektuhan nito ang moralidad at pag-uugali ng mga kabataan upang magnakaw sila.

Kaugnay nito, tiniyak ng senador na maghahain siya ng resolusyong naglalayong imbestigahan ang lumalaganap na illegal online gambling.

Ito ay upang makabuo ng batas na makapagpapatigil o makakasugpo rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *