Senate inquiry sa PPE purchase ‘fishing expedition’ lang – Pres. Duterte

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na kumukwestiyon sa transaksiyon ng kumpanyang Pharmally at pamahalaan sa pag-purchase ng mga personal protective equipment sa unang bahagi ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang talk to the people address, ngayong Sabado ng umaga, muling idinepensa ng Pangulo ang pagbili ng mga PPE sa naturang kumpanya.

Paliwanag ng punong ehekutibo walang ibang masilip ang mga kalaban niya sa pulitika kundi ang Pharmally gayung kung tutuusin ay may kontrata naman umano ang transaksiyon at natupad naman nito ang obligasyon para ideliver ang mga PPEs na naaayon sa quantity, quality at specifications.

Maliban dito nagbayad lamang ang gobyerno noong maideliver na ang mga PPE.

Dahil dito naniniwala ang Pangulo na walang mapapala ang mga mambabatas at ‘fishing expedition’ lamang umano ang senate inquiry na ginagawa ng mga ito.

Kasabay nito muling binanatan ni Pangulong Duterte si opposition senator Franklin Drilon kung saan inungkat nito ang koneksiyon kay pork barrel queen Janet Lim Napoles at dating Iloilo Mayor Jed Mabilog.

May hirit din ito kay Senate Blue Ribbon chairman Dick Gordon kung saan tinanong nito ang kaugnayan ng senador mula sa ilang Chinese businessmen sa Subic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *