Senate Minority binalalaan ang mga kurakot na opisyal na sangkot sa PS-DBM

Binigyang-diin ni Sen Koko Pimentel na ang binigay na desisyon ng Ombudsman ay isa nang ‘strong signal’ na ang anumang maling gawain at eskandalo ng mga opisyal ay malalimang sisiyasatin ng mga otoridad.

Ito ay kasunod ng pagpapatupad ng Ombudsman ng preventive suspension sa mga opisyal Department of Education (DepEd) at Procurement Service ng Department ng Budget and Management (PS-DBM) sa pagbili ng outdated at overpriced na mga laptops para sa mga guro.

Ani Pimentel, dapat ding busisiin ang tungkulin ng mga contractor na sangkot sa nilyon-bilyong sa maanomalyang transaction na nakitaan nga ng mga irregularities.

Mariing sinabi rin ng senador na dapat malaman ng mga mamamayan ang tunay na nangyari kung bakit ang Sunwest Construction and Development Corp., LDLA Marketing and Trading Inc., at VST ECS Philippine Inc. ang napili para sa procurement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *