National

Senate panel, inimbitahan ang ICC na harapin ang imbestigasyon kaugnay sa Duterte drug war

Inimbitahan ng Senate Justice and Human Rights Committee ang International Criminal Court (ICC) sa pagdinig nito sa isang resolusyon ng Senado na tumututol sa imbestigasyon ng ICC sa kontrobersyal na drug war ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senator Francis Tolentino, hindi pa sumasagot ang ICC sa imbitasyon sa komite ng Senado.

Ang imbitasyon, ayon kay Tolentino, ay ipinaabot kay ICC chief prosecutor Karim Khan.

May ipinadala rin aniya na imbitasyon kay dating pangulong Duterte ngunit katulad nito, wala pang natatanggap na tugon ang komite.

Nauna rito, naghain ng resolusyon ang ilang senador na humihiling sa Senado na ipagtanggol si Duterte sa imbestigasyon ng ICC.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

Grupo ng mga tattoo artists – wi-nelcome ang pag-suspend sa ‘no-tattoo policy’ sa PNP

Binigyang-diin ni Philippine Tattoo Artist Guild (PhilTAG) President Philip D. Peña na kultura na sa…

8 mins ago

DepEd – nagpaalala laban sa pekeng pa-ayuda online

Muli na namang kumalat sa social media ang pekeng pa-ayuda ng Department of Education (DepEd).…

25 mins ago

Pagkakabilang ni PBBM sa ‘di umano’y ‘PDEA list’ – tinawanan lang ng presidente

Tumawa lang si Pangulong Bongbong Marcos nang matanong ng media patungkol sa issue ng pagkakasangkot…

27 mins ago

DFA: hindi totoong nagpapagamit ang PH sa ibang mga bansa sa isyu sa WPS

Hindi nagpapagamit ang Pilipinas sa ibang mga bansa sa isyu sa West Philippine Sea. Ito…

30 mins ago

Senador: imbestigahan na ang mga dayuhang nasa ‘gated villages’ sa Paranaque

Naniniwala si Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na karapat-dapat lang…

30 mins ago

Pagdaan ng Chinese vessels sa Tawi-tawi, tinawag na ‘innocent passage’ ng WESTMINCOM

Itinuturing na 'innocent passage' ng AFP Western Mindanao Command ang Pagdaan ng 4 na Chinese…

30 mins ago