Senate panel, pinadedeport si Michael Yang

Inirekomenda ng Senate blue ribbon committee ang pagpapadeport kay dating economic adviser Michael Yang, dahil sa kanyang naging papel sa kontrata sa pagitan ng Pharmally Pharmaceutical Corp. at ng gobyerno.

Sa draft partial report ng Senate Blue Ribbon Committee, na nag-iimbestiga sa umano’y maanomaliyang pandemic-related deals, pinakakasuhan rin si Yang, bilang suporta sa deportation ng isang undesirable alien.

Sinasabi sa draft report na nilabag umano nito ang National Internal Revenue Tax Code,na nagpapatunay sa paghahain ng criminal charge laban sa kanya, ang deklarasyon sa kanya bilang undesirable alien, at agarang pagpapadeport.

Kaugnay nito, nakasaad pa sa report na nadiskubre sa mga pagdinig na si Yang ay kasalukuyang nagmamay-ari ng ilang multi-million properties sa buong bansa, kabilang na ang Davao mall chain DCLA, at iba pang gusali sa Manila at Clark, Pampanga. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *