Senate President, iginiit na walang dapat ikabahala sa ratipikasyon ng RAA kasama ang Japan

Nanindigan si Senate President Migz Zubiri na kailangan ng bansa ang tulong ng Japan upang malabanan ang pambubully ng China sa West Philippine Sea.

Ito ay sa kabila ng pagtutol ng ilang aktibista sa pagratipika sa Reciprocal Access Agreement (RAA) at pagtanggap ng bansa Official Security Assistance (OSA) cash aid na aabot sa P235 milyon.

Ayon kase sa mga ito, maaring magdulot lang ng pagka-degrade sa soberanya ang pagtulak dito.

Samantala, iginiit ni Zubiri na walang dapat ikabahala ang publiko dahil maituturing na pinakadisiplinado naman sa lahat ang armed forces ng Japan.

Maalala, isa rin sa layunin ng bansa ang pagkakaroon ng trilateral relations kasama ang Japan at US.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *