Senate President, magkaka-term-sharing?

Inilahad ni Senador Bato dela Rosa na nag-alok umano si Senadora Cynthia Villar na magkaroon ng ‘term-sharing’ sa pagitan nila ni Senador Migs Zubiri.

Sina Villar at Zubiri ay kapwa mga top-contenders ngayon bilang susunod na Senate President ng 19th Congress.

Ayon kay dela Rosa, bagamat nag-alok si Villar ng hatian sa pagiging lider ng Senado, tila hindi ito suportado ng ilan sa kanilang mga kasamahan sa Senado.

Dahil dito, kinakailangan umanong mag-usap ng dalawa at maglabas ng pinal na desisyon.

Isasapinal naman ang magiging rekumendasyon ng mga blocs sa Senado kasama na ang ‘Seatmates’ bloc.

Sa ngayon, solid umano ang walong mga Senador na suportahan si Villar sa pagka-SP.

Nauna raw kasing makipag-usap sa kanila si Villar; habang si Zubiri ay tinalakay lamang ang pagiging SP nuong masiguro nito ang kanyang puwesto sa Senado.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *