Senate President – muling nanawagan sa pangulo na iprayoridad ang dagdag sahod para sa mga manggagawa

Muling nanawagan si Senate President Migz Zubiri kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyang-prayoridad ang dagdag-sahod para sa mga manggagawa.

Anya, sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng living wage o sapat na sahod ang mga indibidwal upang matustusan ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan.

Ito ay sa gitna ng pagtaas ng poverty index sa bansa kung saan 14.2% na mga pamilyang Pilipino ang nakakaranas ng involuntary hunger.

Samantala, nilinaw naman niyang across the board o para sa buong Pilipinas ang itinutulak nilang P100 Wage Increase Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *