Senate probe sa umano’y paggamit sa ayuda programs para sa PI – lumarga na

Humarap sa Senado ang iba’t ibang mga testigo na nagpatunay sa ‘di umano’y paggamit ng mga ayuda programs ng Gobyerno para sa isinusulong na People’s Initiative para amyendahan ang Konstitusyon.

Pinasalaysay ng Commitee on Electoral Reforms ang kuwento ng bawat mga testigo kung saan ay ibinahagi nilang ‘di nila alam kung ano ang kanilang mga pinirmahan.

Nagmula rin ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa na ayon sa chair ng Kumite na si Senadora Imee Marcos ay patunay na malawakan na ang modus.

Samantala, nilinaw naman ni Senate President Migz Zubiri na hindi naman sila tuluyang tutol sa economic provisions sa Charter Change.

Sagot niya ito sa pagharap naman ng isang mambabatas mula sa Kamara na si Rep. Rodante Marcoleta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *