Senior Agila, may iba’t iba umanong kapangyarihan ayon sa dating SBSI member

Pinatunayan ng isang dating miyembro ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) na ang umano’y lider ng kulto na si Jey Rence “Senior Agila” Quilario ay may kapangyarihang magpatigil ng ulan at magpakanta ng mga ibon.

Ibinunyag ito ng dating tagapagturo at dating miyembro ng SBSI na si Regin Raiza Guma sa pagdinig sa senado.

Bukod sa diumano’y napahinto ang ulan at pinapakanta ang mga ibon, kaya din umano ni Quilario na magbago ng boses sa iba’t ibang tao.

Ayon kay Guma, naging diehard believer siya nito dahil sa mga powers nito.

Samantala, itinanggi naman ni Quilario nang tanungin siya kung may katotohanan ba ang mga iyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *