Local News

Senior Citizen kasama na sa mga babakunahan ngayong buwan

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Provincial Health Office (PHO) na babakunahan na rin ngayong buwan ang iba pang mga kasama priority list.

Sa opisyal na pahayag ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco kasama na sa mga babakunahan ang nasa A2 category o ang mga nakatatandang mamamayan na may edad na 60 taong gulang pataas, gayundin ang A3 o ang mga taong may comorbidities na hindi kasama sa mga naunang kategorya.

Kaugnay nito, hinimok ni Francisco ang mga kasama sa A2 at A3 category na magpalista na sa mga health centers upang mai-schedule ang pagbabakuna.

Kasabay nito ay umapela ang PHO na sundin ang prioritization list ng pagbabakuna.

Batay sa priority groups ng COVID- 19 vaccination program ang mga kabilang sa A1 category ay ang mga Frontline workers sa mga health facilities mapa- nasyunal man o lokal, pribado o pampubliko, health professionals and non-professionals tulad ng mga estudyante, nursing aides, janitors, barangay health workers at iba pa.

Marso nitong taon nang simulan ang pagbabakuna ng anti COVID- 19 vaccines sa mga frontliners o ang mga kasama sa A1 category.

Ang mga pasok naman sa A4 category ay ang Frontline personnel sa essential sectors kasama ang mga uniformed personnel at ang mga nagtatrabaho sa sektor na tinukoy ng IATF bilang essential noong ECQ.

Ang A5 category naman ay ang Indigent population na hindi kasama sa preceding categories.

Sa ngayon ay nasa A1 pa lamang ang vaccination pero inaasahang sunod- sunod na ito dahil may mga darating pang bakuna sa bansa sa mga susunod na araw.

Para maabot ang tinatawag na “herd immunity” kailangang mabakunahan ang nasa 70 % ng eligible population.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

10 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

10 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

10 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

10 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

11 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

11 hours ago