Senior Citizen na hindi covid vaccinated, hindi pinapasok sa PSA Palawan

Sumama ang loob ng isang Senior Citizen sa Puerto Princesa dahil hindi niya nakuha ang Birth Certificate ng kanyang anak dahil hindi siya pinapasok sa tanggapan ng Philippine Statistic Authority.

Ayon kay Mrs. Alejandra Bonggat, June 8, 2022 nang pumunta siya sa PSA ay hinanapan siya ng vaccination card pero wala siyang naipakita dahil hindi siya bakunado vs. COVID-19.

Sinabi umano sa kanya ng gwardya noong umaga na iyon na bawal siyang pumasok sa loob dahil hindi siya bakunado.

Pinayuhan na lamang umano siya na humanap ng kakilala na vaccinated vs. COVID-19 para makuha ang certificate.

Matapos madismaya ay umuwi na lamang ang ginang at nagreklamo sa Brigada.

Samantala, paglilinaw ni Chief Statistical  Specialist Maria Lalaine Rodriguez ng PSA ay may Office Memorandum no. 2022-31 kaya hindi pagpapapasok sa unvaccinated individual alinsunod sa resolution ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Hakbang raw ito ng tanggapan upang mapataas ang vaccination rate sa bansa.

Kung mayroong medical condition at iba pang dahilan ay maaari naman makapasok kung may katibayan na hindi pwedeng bakunahan bago makapasok.

Pinayuhan nito ang senior citizen na maghain ng pormal na reklamo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *