Local News

Senior Citizen na may karamdaman, ninakawan sa Quezon, Palawan; ang insidente, sapul sa CCTV

Sapul sa CCTV camera ang pagnanakaw ng umano’y mag-asawa sa isang bag at karton na may lamang gamot at mga pagkain sa Quezon Public Market nitong Huwebes, February 9, 2023.

Ang bag at karton ay inilagay lamang sa isang tricycle (topdown) at pagmamay-ari ito ng isang senior citizen.

Ayon kay Vincent Gajisan, anak ng biktima, nangyari ang pagnanakaw kung saan iniwan lamang sandali ng kanyang magulang ang gamit para sana bumili ng ibang kailangan.

Pagbalik niya sa sasakyan ay wala na doon ang pinamili na aabot ang halaga sa tatlong libong piso dahil ninakaw na pala ito ng mag-asawang agad na sumakay sa isa ring topdown.

Hinabol pa umano ang mag-asawang suspek subalit hindi ito inabutan sa ibang barangay.

Samantala, ang pinambili sa mga gamot at iba pang pangangailangan ay ang pensyon ng kanyang ina na mayroong sakit.

Ang insidente at footage ay inireport na sa Quezon PNP na patuloy nilang iniimbestigahan.

BNFM Palawan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

23 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

23 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

23 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

23 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

23 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

24 hours ago