Senior citizen na nag-paddle sa loob ng 87 na araw nang mahigit dalawang libong milya, nasungkit ang world record

BNFM Bicol—NASUNGKIT ng isang 87-anyos na si Dale Sanders  ang isang world record bilang pinakamatandang tao na nag- paddle sa Mississippi River gamit ang 15 feet 6 inches na canoe boat.

Kung iisipin, medyo mag-aalangan kang subukan ang gano’ng kakaibang pagtatangka.

Una na rin niyang sinubukan ang pagpa-paddle noong 2015 sa kaparehong lugar ngunit nabigo siyang makuha ang titulo pagkaraang hindi siya kinilala ng Guiness World Record.

Kaya naman dahil sa kaniyang dedikasyon, tapang at lakas ng loob nakuha niya ang titulo matapos mag-paddle ng 87 araw.

Ayon kay Dale, kailangang ihanda ang isipan, katawan at spirit bagon subukan ang kanyang ginawa. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *