Local News

Serbisyo ng City Vet sa mga pet owners sa ibang bayan, nakadepende kung papayagan ng city Mayor; kawalan ng veterinary office sa mga ito, nananatiling problema

SORSOGON CITY – Nilinaw ng Sorsogon City Veterinary Office na hindi nila isinasara ang kanilang pintuan sa lahat ng mga pet owners na hindi residente ng lungsod at nais mag- avail ng kanilang serbisyo.

Gayunpaman, sinabi ni City Veterinarian Dr. Alexander Destura na nakadepende ito kung papayagan ni City Mayor Ester Hamor ang pagbibigay nila ng serbisyo sa mga mula sa labas ng lungsod kung saan ayon sa opisyal, kailangan muna kasi nilang unahin ang problema sa syudad pagdating sa pagsugpo sa rabies, mga asong gala at pagsasagawa ng mga castration at deworming.

Batid ng opisyal na talagang maraming pet owners ang nais na makakuha ng libreng serbisyo lalo pa at lahat ng mga bayan sa lalawigan ay walang mga Municipal Veterinary Office at bukod tanging mayroon lamang ay ang Sorsogon City at ang Provincial Veterinary Office na nasa bayan ng Juban.

Nauna nang sinabi ng Provincial Government na nasa proseso na ngayon ang planong pagkakaroon ng mga Veterinary Offices at uunahin umano  na lalagyan ng nasabing tanggapan ang mga malalaking area tulad ng  bayan ng Bulan at Pilar.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Biggest loser contest, inilunsad sa kapitolyo ng So.Cot

KORONADAL CITY – OBESE ang 60% na mga empleyado sa provincial capitol ng South Cotabato.…

11 mins ago

LTO 12, nagpalabas na ng schedule ng Free TDC

KORONADAL CITY – NAGPALABAS na ang Land Transportation Office o LTO Region 12 ng schedule…

14 mins ago

Most wanted person sa kasong statutory rape, sikop sa otoridad

Sikop sa mga sakop sa Baliok Police Station ang usa lalaki nga most wanted person…

18 mins ago

Ex-con., balik kulungan dahil sa illegal drugs

Balik-kulungan ang isang ex- con. nang mahuli sa drug buybust operation ng PDEA Palawan bandang…

21 mins ago

DepEd Bicol, hinikayat ang mga Campus Journalist na labanan ang “Fake News”

BNFM BICOL – HINIKAYAT ng Department of Education o Deped-Bicol ang mga delegado ng nagpapatuloy…

29 mins ago

19th Century Old Christ the king statue at iba pang lumang gamit, tampok sa bagong bukas na historical museum sa bayan ng Tinambac, sa Partido Area

CAMARINES SUR — Tampok sa kabubukas pa lamang na museum sa bayan ng Tinambac, Camarines…

42 mins ago