Serye ng mga tigil-pasada, asahan na sa bagong taon – PISTON

Hindi pa raw magtatapos ang mga tigil-pasada na ikakasa ng ilang mga transport group sa bansa sa pagtatapos ng taong 2023 dahil asahan na ang mga sunod-sunod pang mga strike sa 2024.

Sa panyam ng Brigada News FM Manila sa National President ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide na si Mody Floranda, sinabi nito na hangga’t hindi napagbibigyan ang kanilang panawagan para sa maraming truper at operaytor ay itutuloy nila ang kanilang mga aktibidad.

Kung maalala, bigo ang mga transport groups na makukuha ang Temporary Restraining Order o TRO sa korte suprema upang pigilian ang pagpapatupad ng PUV modernization program.

Ngayong araw ay isang Caravan ang ikinasa ng grupong MANIBELA at PISTON kasama ang kani-kanilang mga kaanak, kaibigan at iba pang mga transport federation para sa panawagan ikansela ang deadline ng franchise consolidation na deadline na sa linggo Disyembre a-31.

Samantala, sa Memorandum Circular ng LTFRB papayagang pumasada ang mga sasakyang bigong makapag-consolidate sa itinakdang deadline hanggang Enero 31, 2024 kung saan maglalabas ng show-cause orders ang ahenysa sa mga operators ng jeepney kung bakit hindi sila nag-comply sa Public Service Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *