Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan, inaming pansamantalang nagkahiwalay

Matapos ang ilang mga haka-haka at alegasyon, inamin na ni Sharon Cuneta na pansamantala silang naghiwalay ng kanyang asawa na si Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram live kasama si Kiko at ang mga anak na sina Frankie, Miel and Miguel, inamin nilang mahirap ang kanilang pinagdaanan sa relasyon na naging dahilan ng paghihiwalay nila nang sandali.

Binigyang-diin din ni Pangilinan na hindi exempt ang kanilang pagsasama pagdating sa mga hamon sa kanilang relasyon, at binitawan pa niya ang katagang, “Happy wife, happy life.”

Dagdag pa nito, normal na malungkot paminsan-minsan kaya’t humingi rin siya ng tawad sa mga nasaktan sa kanyang malulungkot na posts sa social media.

Aniya, ang importante, inayos nila ang kanilang relasyon at masaya na sila ngayong Bagong Taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *