Sharon Cuneta, may body shot scene kasama si Marco Gumabao

Ibinahagi ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account ang ilang litrato na kuha mula sa kanyang upcoming film na “Revirginized.”

Makikita sa mga litrato ang 55-anyos na Megastar na nag-bo-body shots sa mas bata nitong kapareha na si Marco Gumabao, 26-anyos.

Sinabi ni Sharon sa caption ng post, “OMG I have NEVER done this in real life (I don’t drink tequila or anything else with alcohol! Hahahahaha!),”

Nag-iwan naman si Gumabao ng mensahe sa naturang post kung saan ay sinabi niya: “Can’t wait to see the whole film.”

Unang na-post ang “body shot” photos sa Facebook page ng direktor na si Darryl Yap, kung saan ay sinabi niya sa caption na: “Marco Gumabao is Mega Tested. Mega Approved.”

Ipinunto ni Yap na ang “Revirginized,” na nakatakdang ipalabas sa Agosto, ay ang unang proyekto ni Cuneta kasama ang kanyang dating mother studio na Viva Films, matapos ang 18 taon.

Sa pelikula ay gagampanan ni Sharon ang papel ng babae na madidiskubre ang kanyang awakening matapos ang maraming taon ng pagiging mag-isa.

Magkakaroon naman si Rosanna Roces ng mahalagang role sa transformation ng karakter ni Cuneta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *