Sharon, nakakaramdam pa rin ng takot sa tuwing sumasali sa mga teleserye

Aminado ang beternang aktres na si Mega Star Sharon Cuneta na nakakaramdam pa rin ito ng takot sa tuwing sumasali siya sa isang teleserye.

Sinabi ito ni Cuneta sa isang virtual press conference kung saan ay opisyal na inanunsyo ang pagsali niya sa longest running action-drama series sa telebisyon na “FPJ: Ang Probinsyano”.

Sinabi ni Sharon na kadalasan ay inaayawan niya ang paggawa ng mga teleserye dahil sa mga walang patawad nitong schedule.

Ibinahagi ng aktres na minsan na siyang nag-guest sa “Maalala Mo Kaya” kung saan ay nahirapan siya sa pagmememorya ng mga linya dahil halos “morning to morning” niya ito ginawa.

Ipinunto rin niya na naging hamon sa kaniya ang mabibigat na eksena sa mga teleserye lalo na kung may sigawan at iyakan.

Pakiramdam tuloy ni Cuneta, parang gumawa siya ng pelikula sa loob lamang ng tatlong araw kahit kadalasan ay tumatagal ang shooting nito ng isa hanggang anim na buwan.

Dahil diyan ay laking pasasalamat naman ni Cuneta nang malaman niya na may 12-hour cut off ang working hours sa “Ang Probinsyano” na isa anya sa mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang offer na maging bahagi ng palabas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *