SHINE CAGAYAN VALLEY, inilunsad ngayong araw

Inilunsad ngayong araw ang Sustaining Harvest through Innovation and Nurturing Enterprise o Shine Cagayan Valley na isa sa mga expansion sites ng Regional Inclusive Innovation Centers (RIICs).

Ito ay binubuo ng ilang ahensiya ng gobyerno na kinabibilangan ng DTI, DOST, DA, NEDA, Nueva Vizcaya State University, Quirino State University, CSU, at ISU.

Kabilang din dito ang Philippine Chambers of Commerce and Industry, CVCIDC, USAID Science, Technology, Research And Innovation For Development (STRIDE).

Naka-angkla ito sa sektor ng citrus bilang industry pilot kasama ang Banana sector kung saan magugunita na ang Region 2 ay mayroong malaking kontribusyon sa suplay ng citrus sa bansa kung saan nangunguna pa rin bilang supplier ng mandarin na mayroong 45% Annual National Value of fresh fruit production.

Tulad sa ibang RIICs sites, ito ay ipinatupad sa pamamagitan ng Mapping Linking and Aligning approach upang matukoy ang pangangailan ng mga lokal na industriya.

Isasama rin dito ang mga dati ng resources na kinabibilangan ng sectoral roadmaps for high value crops, Cagayan Valley Integrated Agricultural Laboratory, DA Research and Experiment Stations, at TESDA-accredited learning centers.

Naglaan ang DOST Region 2 ng 1 milyong pondo mula sa 2021 DOST Regional Grants-In-Aid Program katuwang ang PCCI-Cagayan upang mapalakas ang implementasyon nito.

Papadaliin din nito ang pagtatatag ng Business Innovation Unit na magsisilbing pabrika ng one-stop-shop na gagawa ng mga programang madaling puntahan ng mga prospective innovators sa rehiyon at upang matulungan ang ilang MSME na umunlad ang negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *