Shop sa Puerto Princesa, ninakawan; mga bata ang suspek

Huling- huling sa CCTV camera ang pagnanakaw ng dalawang lalaki sa vulcanizing shop sa Malvar St. Barangay Mandaragat Puerto Princesa City nitong Sabado ng madaling araw, March 15, 2024.

Nakasuot sila ng itim na t-shirts, shorts at walang takip sa mukha at tila mga menor-de edad.

Isa sa kanila ang umangat ng harang na kawayan habang ang isa ang pumasok at kinuha ang nakasabit na sling bag na itim at agad na lumabas ng shop kung saan siya dumaan papasok.

Matapos ang insidente at mapanood ang footage agad pinakilos ni Kapitan Lha S. Gallo ng Mandaragat ang mga tanod para makilala agad ang mga salarin.

Samantala, mga bata ang suspek sa pagnanakaw kaya iimbetahan sa barangay ang kanilang mga magulang, ayon pa kay Kapitana Gallo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *