Side effects ng COVID-19 vaccine, saklaw na ng ECC

Saklaw na ng Employees’ Compensation Commission o ECC ang kompensasyon sa lahat ng covered members na nabakunahan kontra COVID-19 at nakaranas ng side effects o di kaya naman ay nagresulta ng pagkasawi.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay ECC Region 2 Information Officer Remedios Andrada, ito ay alinsunod sa Board Resolution No. 2021-03-08 na nakasaad na maaring mag-apply ang mga workers na nakaranas ng side effects pagkatapos ng inoculation.

Aniya, mabibigyan ng compensation ang mga covered members na nagkaroon ng illness, injury o na-ospital dahil sa serious adverse effects na nagresulta ng disability o death bunsod ng COVID-19 vaccine.

Kailangan lang aniyang mag-file ang mga ito ng EC sickness sa SSS o GSIS.

Kung nakumpirmang related sa bakuna ang kanilang naranasang side effects ay maari silang makatanggap ng loss of income benefits, medical benefits, death at funeral benefits at rehabilitation services.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang kanilang pagtanggap ng aplikasyon para sa benefits ng mga manggagawang tinamaan ng COIVD-19 at may isa na silang nabigyan ng kompensasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *