Signal jamming at ‘no-fly-zone’ – ipatutupad para sa Traslacion 2024

Magpapatupad ng signal jamming gayundin ang no-fly zone sa Lungsod ng Maynila ang Philippine National Police (PNP) sa Traslacion 2024 sa Martes, January 9.

Sabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., walang oras na ibinigay kung kailan magsisimula at matatapos ang signal jamming at no fly zone dahil nakadepende ito sa threat assessment na ipararating sa Director ng National Capital Region Police Office o NCRPO.

Kasama rin aniya ito sa mga natalakay sa isinagawang security cluster meeting sa Malacañang kaninang umaga kasama ang iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan

Kasunod nito, ini-ulat din ng PNP Chief ang atas ni Pangulong FerdinandMarcos Jr na tutukan at tiyaking magiging ligtas, tahimik at mapayapa ang pagdaraos ng Traslacion ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *