Signal no. 1 itinaas sa 12 probinsiya dahil sa bagyong ‘Florita’

Nadagdagan ang mga lugar na isinailalim sa signal no. 1 dahil sa bagyong Florita.

Sa inilabas na bulletin ng PAGASA nasa signal no. 1 na ang mga probinsiya ng Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at ang hilagang bahagi ng Aurora.

Huling namataan ang Tropical Depression “FLORITA” sa 330 km Silangan ng Casiguran, Aurora na may maximum sustained winds na 55 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 km/h .

Kumikilos ito pakanluran Timog-kanluran sa bilis na 20 km/h.

Asahan ang mga pag-ulan at malakas na bugso ng hangin sa Cagayan, Isabela, at Aurora dahil sa bagyong FLORITA.

Ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, at Visayas ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot TD Florita at Southwest Monsoon

Pinag-iingat naman ang residente sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Posible din ang mahina hanggang sa maliit na pinsala sa mga istruktura at mga halaman dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na hangin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *