Signal no. 2 itinaas sa ilang lugar sa Visayas dahil sa bagyong Dante

Itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa Eastern Samar, Samar, at Northern Samar dahil sa inaasahang hagupit ng bagyong Dante.

Bukod diyan ay isinailalim rin ng PAGASA sa Signal Number 1 ang Masbate, Sorsogon, Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, at sa  souteastern portion ng Quezon sa Luzon.

Sa Visayas naman ay nakataas ang Signal Nummber 1 sa Leyte, Southern Leyte, Biliran, at sa northern portion ng Cebu kabilang na ang Bantayan at Camotes Islands.

Para naman sa Mindanao ay asahan na ang Signal Number 1 sa northern  portion ng Surigao del Sur, northern portion ng Agusan del Sur, northern portion ng Agusan del Norte, Dinagat Islands, at Surigao del Sur.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng Tropical Storm Dante sa layong 310 kilometers Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na pumapalo sa 75 kph at bugso na umaabot sa 90 kph.

Ayon sa PAGASA na magdadala ang bagyong Dante ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan sa mga nabanggit na lugar

Nagbabala naman ang weather bureau na posible ang pagbaham at landslides.

Para naman sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal Number 2 ay asahan na ang malakas na hampas ng hangin na maaring makapinsala  sa mga imprastraktura at pananim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *