Local News

Signing of memorandum sa pagitan ng PNP at LGU Ilagan para PNP training facility, matagumpay na isinagawa

Matagumpay na isinagawa ng Philippine National Police at LGU-Ilagan City ang signing of memorandum sa itatatag na PNP Training Facility.

Ang naturang training facility ay binili ng LGU Ilagan kung saan nasa mahigit 3 ektarya ang lawak nito na nakahimpil sa Tabacalera, Sta. Barbara City of Ilagan, Isabela.

Ayon kay Mayor Josemarie Diaz, ito ay tulong nila sa mga kapulisan na patuloy na nagsisilbi sa bayan.

Isa rin niya itong istratehiya ng kanilang syudad upang mapalakas ang kanilang ekonomiya at maging sentro pa ng komersyo.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si PNP Chief PGen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa alkalde sa ibinigay nitong suporta sa kanilang hanay sa pagbibigay ng training center na siyang maghahasa sa kakayahan at kapasidad ng mga kapulisan ng bansa. 

Kasabay ng nasabing aktibidad ay nagkaroon din ng turn-over ceremony para sa 3 sasakyang donasyon ng City of Ilagan LGU para sa PNP Ilagan Station.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

8 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

8 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

8 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

8 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

8 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

9 hours ago