Simbahan hinimok ang mga mananampalataya na buhayin ang tradisyon ng paggawa ng belen at paglalagay ng advent wreath sa mga bahay

CAMARINES NORTE – Hinimok ng simbahang katoliko ang mga mananampalataya na buhayin ang tradisyon ng paggawa ng belen sa mga tahanan at maging ang paglalagay ng advent wreath.

Ayon kay Diocese of Daet Bishop Rex Andrew, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, Episcopal Commission on Youth magandang ibalik ang kultura ng paghahanda at paggawa ng belen kung saan makikita ang banal na mag anak na sina Jesus, Maria at Jose.

Malaking tulong umano ito sa pananampalataya lalo na sa mga bata.

Maaari din umanong maglagay sa kani- kanilang tahanan ng  Advent wreath.

Ang Advent wreath ay hugis bilog  na kulay berde at mayroong apat na kandila na makikita sa mga simbahan at kapilya.

Kadalasan itong inilalagay malapit sa sanctuary o sa pulpito.

Sabi ng Obispo kahit sa bahay ay maaaring gawin ang pagsisindi ng advent wreath.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *