Simbahang Katolika, may paalala sa pagsisimula ng Kuwaresma kasabay ng Valentine’s Day

NAGA CITY-Pagmamahalan at pag-aalala sa sakripisyo ang mensahe ng Simbahang Katolika sa pagsisimula ng Kuwaresma kasabay ng Valentine’s Day bukas.

Ang pagsisimula ng Kuwaresma o Ash Wednesday, ay ang paglalagay ng abo sa noo na nagpapaalala na ang buhay ay maikli , sa abo galing at sa abo babalik. Ito rin ang simbolo ng pag penitensya at pagsisi sa mga kasalanan. Tinatawag ding Miercoles de Ceniza o “Pangurus” sa Bicol.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Fr. Louie Occiano, head ng Caceres Commission on Communications, pinaalalahan nito ang mga Katoliko sa pag-aayuno.

Samantala, kasabay ng Ash Wednesday ang Araw ng mga Puso, ayon kay Occiano, Romantic Love ang inaasahang mangingibabaw  pero huwag aniyang makalimot sa sakripisyo’t pagmamahal ng Dios sa bawat isa sa atin at pananaig ng pagmamahal sa kapwa hindi lamang sa karelasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *