Simbahang Katolika sa Naga City  ipinabatid ang patuloy na pagkontra sa STL

NAGA CITY- Tuloy-tuloy nang makakapag operate sa Naga City  Small Town Lottery matapos na maging legal na ang operasyon kasunod ng pagkompleto ng mga dokumento.

Ayon sa Emernald Ventures Gaming Corporation , hindi na nila kailangan permit mula sa alkalde at business permit mula sa LGU dahil sa prangkisa nila sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO) na makapag operate sa Naga. Mababatid na hindi pinayagan ng lungsod ang dating Even Chance Gaming Corporation dahil sa Camarines Sur lamang ang prangkisa nito.

Ayon kay City Councilor Jose Perez, Chairman ng Investment, Trade and Economic Enterprises, malinaw na ayaw ng Naga sa sugal subalit mahirap aniyang ma overpower ng konseho ang prangkisa.  Ang paninindigan ng lungsod ay siya ring paninidigan ng Simbahang Katolika.  Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Immaculate Conception Parish Priest at Social Action Ministry Executive Director ng CARITAS Caceres Fr. Marc Real labag ito sa turo ng simbahan.  Ang mga “easy money” aniya ay wala ring kasiguraduhan kung mapupunta sa tama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *