Simultaneous anti-rabies vaccination, isinasagawa ng PVet So.Cot

KORONADAL CITY- KASABAY ng pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso, nagsasagawa ang Provincial Veterinary Office (PVet) South Cotabato ng simultaneous anti-rabies vaccination sa mga bayan ng Lake Sebu, Tupi, Banga at Tampakan.

Inihayag ni Veterinarian IV Byron Dela Cruz na ito ay bahagi ng kanilang pinaigting na anti-rabies vaccination.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Dela Cruz ang mga pet owners na makipag-ugnayan sa kanilang mga municipal agriculture office at pabakunahan ng libre ang mga alagang hayop.

Ang 2022 Rabies Awareness Month ay may temang “Rabies Free na Pusa’t Aso, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *