Simultaneous clean-up drive ng PNP Cauayan, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang isinasagawang clean-up drive ng Cauayan City Police Station at ngayon araw ay tinungo ng kanilang pangkat ang Brgy. Carabatan Chica.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLt. Scarlette Topinio ang tagapagsalita ng PNP Cauayan, katuwang ng kanilang istasyon ang Advocacy Coalition Support Group, KKDAT Cauayan Chapter,4Ps, Green Ladies, BPATs at mga barangay official sa nasabing lugar.

Isinagawa ang nasabing clea-up drive sa riverside ng Alicaocao Bridge habang nakatakda naman muling magtungo sa susunod na linggo sa iba pang barangay ang mga kasapi ng PNP Cauayan upang isagawa ang kaparehong aktibidad.

Layunin nitong itaguyod at hikayatin ang mga mamamayan sa larangan ng environmental awareness.Samantala, hinikayat naman ni PLt. Topinio ang publiko na patuloy na suportahan ang mga programa at proyektong inilalatag ng kapulisan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *