Simultaneous national road clearing operation sa mga barangay sa Bicol, kanselado

LEGAZPI CITY – Kanselado na muna ang isasagawang Simultaneous National Road Clearing Operation sa mga barangay sa Bicol Region ayon kay Mavis Raneses, Local Government Operations Officer 5 at focal person ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa panayam sakanya ng Brigada News FM Legazpi, sinabi niya na hindi na muna itutuloy ang surprise visit na road clearing operation dahil hindi makakadalo sa aktibidad si DILG Secretary Atty. Benhur Abalos at mayroon itong naka-schedule na meeting kay Pangulong Bongbong Marcos.

Aniya, ang programa ay nakatutok sa peace and order at bahagi rin ng Bagong Pilipinas na layuning maging malinis ang kalsadahan sa barangay.

Subalit, kahit umano kinansela ang road clearing operation ay magpapatuloy pa rin ang DILG upang mapanatili na maayos ang kalsada sa barangay, bayan at lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *