SINAG: maraming sangkot sa pagbebenta ng rice buffer stocks sa mga negosyante

Nanindigan ang Presidente ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na mas maraming tauhan ang dapat suspindihin hinggil sa umano’y pagbebenta ng rice buffer stocks sa mga negosyante.

Sinabi ni SINAG President Rosendo So, na naniniwala ito na may sabwatang nagaganap sa loob ng ahensya ng National Food Authority.

Aniya, ikinagulat niya ang nangyaring maanomalyang bentahan ng bigas.

Samantala, suportado naman ni So ang pag take-over ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel sa NFA.

Matatandaang sinuspinde kahapon ng Office of the Ombudsman si NFA Administrator Roderico Bioco at mahigit 100 pang opisyal at kawani ng ahensiya dahil sa isyu ng maanomalyang bentahan ng NFA rice.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *